Kailangan nating isa-alang alang yung mga potensyal natin tulad ng hilig, talento, kasanayan, pagpapahalaga, at katayuang pinansyal kasi ito yung magiging basehan natin sa pagpili ng kurso at hanapbuhay. Kung gusto mo yung ginagawa mo at magaling ka dun, mas magiging masaya ka sa trabaho mo at mas malaki yung chance na magtagumpay ka. Tapos, kung kaya naman ng pamilya mong suportahan yung kurso na gusto mo, mas makakapag-focus ka sa pag-aaral. Kaya importante na pag-isipan nating mabuti yung mga bagay na yan para hindi tayo magsisi sa huli at para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.