Answer:Ang pagkakaroon ng kaalaman sa sining sa paggawa ng palayok ay isang biyaya. Ito'y aking magagamit sa pagpapabuti ng aking kabuhayan. Maaari ko itong gawing instrumento upang gumawa ng maraming palayok at gawing pangkabuhayan. Aking itong ipagbibili upang kumita nang sa gayon ay makabili ako ng aking pang-araw-araw na mga pangangailangan. Kung lumago ay maaari akong magtayo ng mas malaking pwesto at gumawa ng mas maraming iba't ibang desinyo. Maaari rin akong magtayo ng workshops para sa mga nais matuto ng paggawa nito. Sa wakas, maaari na akong bumili ng sariling bahay at iba pang ari-arian.