Katangian ng Pagpapakatao May Kamalayan sa Sarili – Alam ko ang aking lakas at kahinaan. Halimbawa, alam kong mahina ako sa Math, kaya nagsisikap akong mag-aral nang mabuti.May Kakayahang Kumuha ng Buod o Esensiya ng Umiiral – Nauunawaan ko ang tunay na kahulugan ng mga bagay sa paligid. Halimbawa, alam kong mahalaga ang edukasyon, kaya inuuna ko ito kaysa sa paglalaro.Umiiral na Nagmamahal – Marunong akong magpahalaga at magpakita ng pagmamahal sa iba. Halimbawa, tinutulungan ko ang aking kapatid sa kanyang takdang-aralin.Kilos na Naisagawa na Nagpapakita ng Pagsasabuhay ng Katangian ng Pagpapakatao – Ipinapakita ko sa gawa ang pagiging mabuting tao. Halimbawa, nagpapakita ako ng respeto sa matatanda sa pamamagitan ng pagsagot nang magalang.