“Ang bawat mahalagang bagay ay itinatago ng Diyos upang iyon ay maging gantimpala sa pagtitiyaga at pagiging masigasig ngunit ito ay isang kabiguan sa tamad na kaluluwa. Ang lahat sa kalikasan ay nagmamaramot sa mga tamad. Ang kaong ay nakakubli sa matinik na bao nito; ang perlas ay nakabaon sa kailaliman ng dagat; ang ginto ay nakabaon sa sinapupunan ng kabundukan; ang mga hiyas ay nakukuha lamang kapag natibag na ang batong nagkukulong dito; ang mismong lupa ay nagbibigay ng masaganang ani matapos lamang paghirapan ng magsasaka. Kaya, ang katotohanan at ang Diyos ay kailangang pakahanapin at tuklasin.” Naniniwala ka ba sa nilalaman ng iyong binasa? May gantimpala nga kayang naghihintay sa taong naghahanap ng katotohanan?