Answer:Ang kulo-kulo (Gallicolumba platenae) (Ingles: Mindoro bleeding heart) o la-do, manatad, manuk-manuk, punay, at puñalada sa mga katutubong Mangyan ay isang uri ng kalapating mababa ang lipad na matatagpuan lamang sa isla ng Mindoro sa Pilipinas.[1] Ayon sa International Union for Conservation of Nature o IUCN, ang kulo-kulo ay lubhang nanganganib nang maubos.[2] Sadyang napakailap ng nasabing kalapati kaya di-matantiya ang nalalabing dami nito, ngunit sa pagkakatala nito bilang "critically endangered" o lubhang nanganganib nang maubos, nangangahulugang kakaunti na lamang sa 500 ang natitirang bilang nito.[1]