Ang 3D art o three-dimensional art na paper beads ay isang sining kung saan ginagamit ang papel upang makagawa ng mala-perlas na hugis na may tatlong dimensyon. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggupit ng papel sa pahabang hugis, pag-rolyo nito gamit ang isang patpat o toothpick, at pagkatapos ay idinidikit upang hindi ito magbuka. Madalas ding nilalagyan ng pandikit o varnish upang tumibay at magkaroon ng makinang na itsura. Mahalaga ito dahil nagbibigay ito ng malikhaing paraan ng pagreresiklo ng papel, nakakatulong ito sa paggawa ng murang alahas o palamuti, at maaari rin itong maging mapagkakakitaan.