Narito ang ilan sa mga pangunahing reaksyon ng mga mamamayan sa kolonyalismo:1. Pagkalito sa Sariling Pagkakakilanlan- Dahil sa kolonyalismo, nagiging kuwestiyunable para sa mga PIlipino ang kanilang sariling pagkakakilanlan anupat ang mga kultura, tradisyon, paniniwala, at maging ang wika na dapat sana ay nagbibigay ng pantanging pagkakakilanlan ng PIlipinas ay naimpluwensyahan na ng mga mananakop na siyang pilit na iginigiit ang kanilang kultura.2. Pagtutol at Paglaban- Dahil sa tila walang kalayaan at sariling pagkakakilanlan ang mga mamamayang PIlipino dulot ng kolonyalismo, nabuksan ang kanilang isipan at nabuhay ang pagtutol at espiritu ng pagrerebolusyon sa kanilang mga puso. Ang sapilitang pangingikil ng buwis, sapilitang pagtatrabaho, at ang pagkontrol sa kalakalan at likas na yaman ng bansa ang nag-udyok sa marami na mag-alsa at lumaban sa mga banyang mananakop.3. Pagtanggap sa mga Aspekto ng Kolonyalismo- Sa kabila ng paglaban, may ilang bahagi ng kolonyalismo na tinanggap ng mga Pilipino upang maiwasan ang pagdanak ng dugo. Halimbawa nito ay ang pagkatuto ng wika at kultura ng mga banyaga, pagtanggap ng mga bagong teknolohiya at sistema, gayundin ang pagtulong at pagsuporta sa gobyernong namamahala upang magkaroon ng koneksiyon at mas maraming pribilehiyo. Dahil sa mga pamamaraang ito ay maraming buhay ang naingatang ligtas. [tex] \: [/tex]