HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2024-10-25

Paano makatutulong ang mga ambag o kontribusyon ni Jose Rizal sa buhay ng mga Pilipino

Asked by mcaroltan

Answer (2)

Answer:Nakakatulong ito upang maging inspirasyon si Rizal sa atin, ipinapakita ni Rizal na dapat ang Pilipinas ay may sariling kalayaan, hindi dapat hawak ng ibang bansa ito. Ang mga ambag na ito ay mahalaga upang ipakita sa atin na tayo ay minsa'y ginamit na ng taga-ibang bansa upang sa pansariling interes lamang at tayo ay nagbulagbulagan. Ang nais niya ay maging malaya at mapayapa ang bansang Pilipinas.

Answered by xXILOVEYOUFOREVERXx | 2024-10-25

Sa pagbabahagi lang ng panunulat, nabuksan rin niya ang mga mata ng mga Pilipinong nasa ilalim ng Kastila at nangungulila na. Sa huli, nagkaroon rin ako ng inspirasiyong ko mas lalong mahalin ang ating bayan dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa ating bayan.Para saakin, wala masyadong pagkakaiba ang lipunan ngayon sa lipunan noon. Ang pagkakaiba lang naman ay nagkaroroon lang tayo ng kalayaan sa ating bansa. Pero sa kasalukuyan, meron paring mga tao naghihirap, matumal at korapsiyon sa gobyerno. At sa lipunan noon, mas mahirap iparating ang mga salita na himukin ang mga Pilipino na lumaban mula sa mga Kastila dahil noon, kailangan pang itago anf mga gawain ng paghihikayat para hindi mahuli ng mga Kastila. Pero sa panahon ngayon, madali lang ang pagkakalat ng mga ating salita dahil sa pagkakaroon ng teknolohiya at demokrasiya. Sa lumang manahon rin ay may mga taong walang edukasyon dahil bawal sila mag- aral dahil sa mga Kastila. Pero sa kasalukuyang panahon, halos lahat na ng tao sa lipunan ay nakakaranas ng edukasyon.Sa kasalukuyan panahon, maisasabuhay ko ang mga mesahe ng mga akda sa buhay sa paraan na lagiging tandaan ang mga ito at gawing inspirasyon sa pang- araw araw na buhay. Ang isa sa mga puede kong maisabuhay sa mga natutunan ko dahil sa mga akda ni Rizal ay ang magiging makabayan. Tutularan ko si Rizal na maging makabayan para maipakita ko ang pagmamahal ko sa sarili kong bayan. Bibigyan ko ng importansiya ang aking mga ginagawa para sa Pilipinas. Bibigyan ko rin ng karangalan ang mga Pilipino noong panahon ng Kastila dahil patuloy silang lumalaban kahit masyado na silang inaapi ng mga Kastila. Ito ay dahil hindi sila nawalan ng pangarap na hindi na ulit magiging malaya ang Pilipinas. Bibigyan ko rin ng karangalan ang ating lenguahe dahil ito ay di karaniwan. Tayo lamang ang bansa na gumagamit ng tagalog at dapat natin ito ipagmalaki. At pinaka- importante sa lahat, dapat ay bigyan natin ng halaga ang ating buhay dahil sa kalagayan na ito, tayo ay maswerte na kumara sa kalagayan ng mga Pilipino dati. Tayo ay maswerte na dahil sa panahon ngayon, hindi na tayo inaapi, inuulila at hindi na tayo nasailalim ng mga Kastila. Tayo ngayon ay nasa ilalim ng mabuting gobyerno at dapat rin ay maging masaya tayo dahil sumusunod tayo sa demokrasiya.

Answered by princessjoannabmendo | 2024-10-25