HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2024-10-25

Walang Sugat Ni Severino Reyes (1898) UNANG YUGTO1 Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teñong. Magkakayayaang magpakasal ang dalawa.2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si Juana.3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura. Tinatawag silang filibustero at mason. Mayhindi na makakain sa dinanas na hirap. May namatay na.4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teñong, na ibig Makita ang asawang Kapitan Inggo, bugbog na sa palo.5 Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng ina. Sinabi ng binatang "ang mgakamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan."6 Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap. Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya Si Teñong ng mga kasama na magsikuha ng mga baril at gulok. Makikiu-sap si Julia na huwag ituloy ni Teñong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata. Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura.IKALAWANG YUGTO7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas.9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.IKATLONG YUGTO11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang liham. Nagbilin lamang ito nauuwi sa araw ng kasal. 12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng dalaga. Ayaw niyang makipag-usap samanliligaw kahit kagalitan siya ng ina.13 Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.14 Kinabukasa'y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas na tumakas upang pumuntakay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sina Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi angmagpakasal o magpatiwakal.15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang "Hindi po!" Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.16 Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Teñong.17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binate na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandal na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si Miguel.18 Ikinasal sina Teñong at Julia. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at... "Walang sugat!" sigaw ni Miguel.At gayundin ang isisigaw. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Teñong ang buong eksenaSAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN1. Para kanino ang binurdahang panyo ni Julia? 2. Bakit nagmadaling nagpaalam si Teñong kay Julia?3. Ano ang ikinamatay ni Kapitan Inggo? 4. Sino ang ipinagkasundo ni Aling Juana para kay Julia?5. Paano ipinaaalam ni Julia kay Teñong ang pagpapakasal niya kay Miguel?6. Ano ang naisipang gawin ni Teñong para makapunta siya sa kasal ni Julia at Miguel?7. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman? Pangatwiranan ang sagot.8. Kung ikaw si Julia, papayag ka ba na magpakasal kay Miguel? Bakit?9. Mabuti ba na magtanim ng galit si Teñong sa mga pari? Ipaliwanag.10. Bakit "Walang Sugat ang pamagat ng akda?​

Asked by defphanni

Answer (1)

Answer:1. Para kay Teñong ang binurdahang panyo ni Julia.2. Nagmadaling nagpaalam si Teñong dahil dinakip ang kanyang ama.3. Ang ikinamatay ni Kapitan Inggo ay ang matinding pagbugbog sa kanya.4. Si Miguel ang ipinagkasundo ni Aling Juana para kay Julia.5. Ipinadala ni Julia kay Teñong ang balita ng kanyang pagpapakasal kay Miguel sa pamamagitan ng liham na ipinadala ni Lucas.6. Upang makapunta sa kasal ni Julia at Miguel, nagpanggap si Teñong na sugatan at nasa bingit ng kamatayan.7. Hindi tama ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo ito kay Miguel dahil inuna nito ang kayamanan kaysa sa kaligayahan ng anak. Si Julia ay mayroong pag-ibig kay Teñong, at ang pagpapakasal kay Miguel ay isang paglabag sa kanyang damdamin at kalayaan.8. Kung ako si Julia, hindi ako papayag na magpakasal kay Miguel dahil mahal ko si Teñong. Mas pipiliin ko ang pag-ibig kaysa sa isang maginhawang buhay na walang pagmamahal.9. Hindi mabuti na magtanim ng galit si Teñong sa mga pari dahil hindi ito ang tamang paraan para malutas ang problema. Ang paghihiganti ay hindi magdadala ng kapayapaan.10. "Walang Sugat" ang pamagat ng akda dahil ito ay isang metapora para sa pagkukunwari at pagkakatago ng mga tunay na damdamin at motibo ng mga tauhan. Ang sugat ni Teñong ay gawa-gawa lamang, tulad ng mga pangyayari sa dulo ng kuwento.sana makatulong (correct me if I'm wrong)

Answered by selenearielle | 2024-10-25