Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pag-isipan kung ito ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng karapatan ng iba.Isulat ang tsek (√) kung oo at ekis (x) naman kung hindi. 1. Pagtawag sa ibang tao ng nakakainsultong pangalan upang ipahiya sila. 2. Pagbasa ng mga chat message na hindi para sa iyo. 3. Paggalang sa opinyon ng iba na taliwas sa iyong opinyon. 4. Pagbibigay-alam sa mga magulang sa mga pangyayari sa paaralan. 5. Pagpasok sa kwarto ng iyong kapamilya nang hindi nagpapaalam. 6. Pagsasabi ng masasakit na salita sa iyong kamag-aral at kaibigan. 7. Pagtulong sa mga kamag-anak o kamag-aral na may kapansanan. 8. Pang-aalipusta sa mga taong mahihirap. 9. Pagmamaltrato sa kaklase mo na isang katutubo. 10. Paghihintay ng pagkakataon na magsalita habang may iba na nagsasalita.