HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2024-10-25

1.Sino ang mga Thomasites? Anong uri ng edukasyon ang ibinigay ng mga Amerikano sa mga Pilipino? 2. Ano ano ang mga naging pagbabago sa edukasyon sa panahon ng pamamahala sa panahon ng mga Amerikano? 3.Ilarawan ang komunikasyon at transportasyon sa bansa sa panahon ng mga Espanyol. 4. Ano ang naging kontribusyon ng mga Amerikano sa pagpapaunlad ng komunikasyon ng transportasyon? 5. Ano ang naging epekto ng mga pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga pilipino. How pooo​

Asked by Zhang06Mallari

Answer (1)

Answer:1. Ang mga Thomasites ay mga Amerikanong guro na dumating sa Pilipinas noong 1901 upang magturo ng edukasyon. Ang edukasyon na ibinigay ng mga Amerikano ay nakatuon sa wikang Ingles, agham, matematika, at kasanayang teknikal.2. Nagkaroon ng pampublikong edukasyon, paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo, at pagkatatag ng mga paaralan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas.3. Ang komunikasyon sa panahon ng mga Espanyol ay mabagal at kadalasang isinasagawa sa pamamagitan ng liham. Ang transportasyon ay pangunahing binubuo ng mga kalesa, bangka, at mga daang pangkabayo.4. Nagdala sila ng mga modernong teknolohiya tulad ng telegrapo, telepono, tren, at mga kalsadang sementado.5. Bumilis ang komunikasyon at paglalakbay, naging mas madali ang kalakalan, at nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya at kalinangan ng mga Pilipino.parate thankyouu and also goodluckk

Answered by evarlymanadong | 2024-10-25