HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-10-24

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kwentong bayan. na Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni IIwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob pagnanasang maging tao ay sumunod sa pinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamt siya sa diyos at humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila'y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang ibat't ibang dynasty sa Korea.​

Asked by perlaaleo01

Answer (1)

Answer:Ang mga pabula sa Korea ay nag-ugat sa mitolohiya at kwentong bayan, kung saan ang mga hayop ay may simbolikong kahulugan. Isang kwento ang tungkol sa tigre at oso na nagnais maging tao. Pinagsabihan sila ng diyos na si Hwanin na magkulong sa kuweba ng 100 araw. Ang oso ay sumunod, ngunit ang tigre ay lumabas. Pagkatapos, isang napakagandang babae ang lumabas at nagpasalamat sa diyos, humiling ng anak, at ipinanganak si Dangun, na naging hari. Ang kwentong ito ay nagbigay-diin sa koneksyon ng mga hayop sa kultura at kasaysayan ng Korea.

Answered by josephinecaballero22 | 2024-10-24