HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2024-10-24

b. maunawain d. masunurin Pagsasanay 5: Anong ugali/katangian ang ipinahihiwatig ng tauhan batay sa kanyang ikinilos o ipinahayag? Isulat ang sagot sa patlang. Maaalalahanin. Mapagoigay 2 Madamot 4. 8. 6. 5. 3. Maaga pa ay gising na si Melba. Gawa na siya nang gawa. Gabi na kung tumigil siya sa pagtatrabaho. "Gutom na gutom ka? Bata, heto ang baon kong tinapay. Kainin mo." Balewala kay Simon ang apat na sakong bigas na pasan niya sa kanyang balikat. "Ayoko! Hindi ko kayo bibigyan. Ayaw kong mamigay ng pagkain." "Ang ganda ng tanawin dito! Maganda rin iyong tanawin sa banda roon. Maganda ang lahat ng nakikita sa lunsod na ito." "Ate, tatabi ako sa iyo. Parang may naglalakad sa kwarto ko. Hindi ko kayang matulog nang mag-isa roon." 7. Walang ginagawa si Nancy kundi mahiga, magbasa ng komiks at maglaro habang ang iba niyang kapatid ay natatrabaho. "Naku! Bakit walang aircon? Ang liit pa ng kwarto! Bakit puro luma ang mga gamit?" 9. Tinitiyak ni Richard na nakapagpapadala siya ng kard o sulat sa kanyang ina, ama at limang kapatid tuwing may mahalagang okasyon. 10. Agad na tumalon ang lalaki nang marinig ang paghingi ng saklolo ng ina ng batang nalaglag sa ilog at nasa panganib na malunod.​

Asked by nasiarayneclemente

Answer (1)

Answer:Maaga pa ay gising na si Melba. Gawa na siya nang gawa. Gabi na kung tumigil siya sa pagtatrabaho.Masipag"Gutom na gutom ka? Bata, heto ang baon kong tinapay. Kainin mo."Maawain / MatulunginBalewala kay Simon ang apat na sakong bigas na pasan niya sa kanyang balikat.Malakas / Matatag"Ayoko! Hindi ko kayo bibigyan. Ayaw kong mamigay ng pagkain."Madamot"Ang ganda ng tanawin dito! Maganda rin iyong tanawin sa banda roon. Maganda ang lahat ng nakikita sa lunsod na ito."Mapagpuri / Masayahin"Ate, tatabi ako sa iyo. Parang may naglalakad sa kwarto ko. Hindi ko kayang matulog nang mag-isa roon."MatatakutinWalang ginagawa si Nancy kundi mahiga, magbasa ng komiks at maglaro habang ang iba niyang kapatid ay nagtatrabaho.Tamad"Naku! Bakit walang aircon? Ang liit pa ng kwarto! Bakit puro luma ang mga gamit?"Reklamador / MapaghanapTinitiyak ni Richard na nakapagpapadala siya ng kard o sulat sa kanyang ina, ama, at limang kapatid tuwing may mahalagang okasyon.MaalalahaninAgad na tumalon ang lalaki nang marinig ang paghingi ng saklolo ng ina ng batang nalaglag sa ilog at nasa panganib na malunod.Matapang / Matulungin

Answered by aquinoahlex0605 | 2024-10-24