Karapatan sa EdukasyonAng mga kabataan ay may karapatan sa de-kalidad na edukasyon upang maihanda sila sa kanilang hinaharap at makamit ang kanilang mga pangarap. Bagman ito ay isang karapatan, mayroon pa rin tungkulin ang bawat kabataan para mapahalagahan ito.Pag-aaral ng Mabuti - Ang mga kabataan ay may tungkulin na pahalagahan ang kanilang pag-aaral at magsikap upang matutunan ang mga aralin sa paaralan.Paggalang sa mga Guro - Dapat igalang ng mga kabataan ang kanilang mga guro at mga tagapagturo na nagbibigay ng kaalaman at suporta sa kanilang pag-aaral.Pakikilahok sa mga Aktibidad - Ang mga kabataan ay dapat makilahok sa mga extracurricular activities at iba pang mga programa sa paaralan upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan.Pagiging Responsableng Mag-aaral - Dapat maging responsable ang mga kabataan sa kanilang mga takdang-aralin at mga proyekto, at sundin ang mga patakaran at regulasyon ng paaralan.