HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Junior High School | 2024-10-24

ang unang dalwang komisyonadong ipinadala sa estados unidos

Asked by aincassiefiel1126

Answer (1)

Ang unang dalawang komisyonadong ipinadala sa Estados Unidos ay sina Pablo Ocampo at Benito Legarda, Sr. Sila ang mga unang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos sa ilalim ng Batas Cooper o Batas Pilipinas ng 1902.Ang Batas Cooper ay isang mahalagang batas na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas noong 1902, na nagtakda ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilanggo dahil sa pagkakautang, pagiging pantay-pantay sa harap ng batas, at kalayaan mula sa pagkaalipin.Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas, kung saan si Sergio Osmeña ang naging speaker at si Manuel L. Quezon ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi .

Answered by mjPcontiga | 2024-10-24