Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel._____1. Ang pagdidilig ng halaman ay hindi kinakailangang gawin araw-araw._____2. Ang pagdidilig tuwing matindi ang sikat ng araw ay mainam upang maging masigla ang halaman._____3. Upang makahinga ang mga ugat ng mga tumutubong halaman kinakailangang bungkalin ang paligid ng halaman._____4. Ang pataba ay maaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim o pagkatapos magtanim.____5. Ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay kapag malaki na at namumunga na ang halaman.