Answer:4. Pormal ang wikang ginagamit sa pagsulat ng dokumentasyon.Ang dokumento ng produkto ay isinusulat ng kompanya upang ilarawan ang produktong kanilang ginagawa. Dinisenyo ito upang maunawaan ng mga tao sa kompanya ang dapat maging gawain ng produkto at paano ito maisasagawa. Madalas ito ay sinusulat para sa software na produkto pero puwede rin namang sa iba pang mga produkto. Sa pangkalahatan, nililinaw ng dokumento ng produkto ang mga suliranin na dapat lutasin, pero dapat iwasan ang paglalahad ng mga teknikal na solusyon sa problema.Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuuin ang isang bagay o produkto.Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.Maaari ring maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa.Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon. summary