Ang Pilipinas ay nasa mababang latitud kaya ang bunga nito ay mainit at tropikal ang klima. Mayroon tayong dalawang pangunahing panahon: tag-init at tag-ulan. Dahil dito, maraming uri ng halaman at hayop ang nabubuhay, at sagana ang mga pananim tulad ng palay, mais, at prutas. Gayundin, mas madalas ang pag-ulan at bagyo sa bansa.