HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-10-23

Pagsasanay 3 Panuto: Tukuyin ang mahahalagang mensaheng nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letra ng sagot. 1. "Kung maiksi ang kumot, matututong mamaluktot." Ang mensahe ng karunungang-bayan ay A. maging matipid B. maging masunurin C. maging madasalin D. maging madasali 2. Ang batang babae ay ipinanganak na mag ginintuang-kutsara sa bibig dahil ang kaniyang mga magulang ay nabibilang sa maharlikang pamilya. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A. mahirap B. maganda C. mayaman D. malinis 3. Ano ang mensahe ng kasabihang, "Kung ano ang itinanim, siyang aanihin." A. Hindi mo pinahahalagahan ang iyong kapwa B. Ikaw ay hindi tutulungan ng iba C. Magiging paborito ka ng ibang tao. D. Kung ano ang ginawa sa iba, iyon din ang ibabalik sa iyo. 4. Maingat na kinakausap ng nana yang anak dahil siya ay balat-sibuyas. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay. A. madasalin B. iyakin o sensitibo c. matapang d. masunurin 5. "May tainga ang lupa, may pakpak ang balita." Ano ang mensahe ng karunungang-bayang ito A. Mabagal na dumadating ang balita B. Hindi dapat ipinapaalam ang mga balita C. Ang balita ay dapat na isinasabuhay D. Mabillis kumalat ang balita, mabuti man ito o masama​

Asked by cherylantalan09

Answer (1)

Answer:1. A. maging matipid Ang kasabihang "Kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot" ay tumutukoy sa pagiging praktikal at marunong mag-adjust sa mga limitasyon, tulad ng pagiging matipid kapag kulang ang mga resources.2. C. mayaman Ang pariralang "ipinanganak na may ginintuang-kutsara sa bibig" ay nangangahulugang ipinanganak sa isang mayamang pamilya.3. D. Kung ano ang ginawa sa iba, iyon din ang ibabalik sa iyo. Ang mensahe ng "Kung ano ang itinanim, siyang aanihin" ay tungkol sa pagkakaroon ng mga resulta o epekto base sa iyong mga ginagawa.4. B. iyakin o sensitibo Ang "balat-sibuyas" ay nangangahulugang madaling masaktan o sensitibo.5. D. Mabilis kumalat ang balita, mabuti man ito o masama. Ang mensahe ng "May tainga ang lupa, may pakpak ang balita" ay nagpapahiwatig na mabilis kumalat ang mga balita o tsismis.

Answered by primo54105 | 2024-10-24