Kadalasan, nagkakaroon ka ng suliranin sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa mga taong iyong nakakasama sa iba't ibang gawain (hal., kamag-aral, kaibigan at pamilya). Maaaring ito ay dahil sa paraan ng iyong pagpapahayag ng iyong emosyon. Natanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit? Ang gawain na ito ay maaaring makatulong sa iyo upang masuri ang iyong kakayahang emosyonal upang higit mong maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaunawa sa sariling emosyon at sa iba at sa gayon ay mapanatili ang magandang ugnayan mo sa iyong kapwa. PAGSASANAY: Panuto: Ang bawat tao ay may iba't ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang paraan kung paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyong ipapakita. Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa kahon sa ibaba. Mga Pahayag 1. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto. Ipapasa na ito bukas. 2. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitutulong ba ako? 3. Tiyak na matutuwa si Nanay! Matataas ang marka ko! 4. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan ang premyo sa sinalihan mong paligsahan. 5. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may ginagawa ako. 6. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang kaniyang Emosyon pasalubong? 7. Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako makakahabol sa aking klase. 8. Mother's day na sa Linggo. Sorpresahin natin si Nanay. 9. Naku! Nandyan na naman ang laging nanunukso sa akin. Huwag ninyo akong ituturo sa kaniya. 10. Akala mo naman kung sino ka! Huwag ka ngang mayabang! Mga Pangunahing Emosyon Katatagan Pagmamahal Pag-asam Pagkagalak asa Pagkamuhi Pag-iwas Pagkatakot Pagkagalit Kawalan ng Pag-asa