HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Junior High School | 2024-10-23

ano ang iyong masasabi sa aksyon ng china west philippine sea​

Asked by urbanowilma5

Answer (1)

Alam ko na ang mga aksyon ng China ay hindi makatarungan at labag sa ating soberanya bilang bansa. Ito ay nakakagalit at nakapagaalala din. Ang ating sariling teritoryo ay inaangkin at pinapasok ng ibang bansa. Bilang isang batang Pilipino, ipinagmamalaki ko ang ating kultura at kasaysayan pero nakakaramdam ako na dapat tayong lumaban para sa ating karapatan at ipagtanggol ang ating bayan mula sa pang-aabuso. Nag-aalala ako para sa hinaharap namin bilang mga kabataan. Kung patuloy ang tensyon, ano ang mangyayari sa aming mga pamilya at komunidad?Nakakaawa ang mga mangingisdang Pilipino na hindi makapangisda nang mapayapa. Hindi na nga mayaman ang ating bansa at hindi pa nga natutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga pamilya at indibidwal na nasa laylayan ng lipunan. Paano na kaya sila?Naniniwala ako na dapat tayong sumuporta sa ating gobyerno upang ipaglaban ang ating karapatan. Kailangan nating maging matatag at magkaisa laban sa anumang uri ng pananakop. Ilan beses na tayong sinakop, inalila, at minaliit ng ibang mga bansa. Kailangan natin maging matapang muli!

Answered by GreatGatsby | 2024-11-15