HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Elementary School | 2024-10-23

damdaming makabayan na nag-udyok sa mga Europeo na mag ka roon ng ma lawak na ka pang yarihan pang labanan ang karibal na bansa​

Asked by ronaldonobleza1976

Answer (1)

NASYONALISMO-    Ang pagkamakabansa o nasyonalismo ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina o kilusang pampolitika na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura na bumubuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan.     Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon.      Bagamat nakapagpapasigla o nakapagpapanimula ito ng demokratikong pampolitika na pagbabago at repormang pangkabuhayan o pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na katapatan sa isang estado na may tendensiyang maliitin ang isa pang nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa

Answered by Chococloud1 | 2024-10-28