HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-10-22

II. Gawain 1 PANUTO: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap gamit ang context clues. Sagot na lamang ang ilagay sa isang buong papel. 1. Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno" iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki't makaakit ng aking loob! 2. May karapatan ba akong "wasakin ang puso" ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? 3. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay - kinailangang "ikahon" ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay. 4. "Nayanig" sa paglapit niya ang palalo't matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama'y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. 5. "Nasindak" ang mundo, naging usap-usapan ang krimeng iyon na dito'y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European. 6. Tila ako ay "binihisan ng lipunan" upang sumabay at umangko sa pangangailangan ng nagbabagong panahon. 7. Ang pakikipagsulatan ko sa aking mga kaibigan ang "nagpakulay" sa hungkag at kainip-inip kong buhay. 8. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho't nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit "nakatali" ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. 9. Ibig kong malaya upang "makatayo nang mag-isa", mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. 10. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paanong hindi magkakaganoon, tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, at ang lahat ng "kaluwaga'y" para sa kanila lang?​

Asked by marimelasaca

Answer (1)

Answer:Babaeng moderno - isang babae na may kasalukuyang pananaw o lifestyle na kaugnay sa mga kaugalian at pananaw ng panahonWasakin ang puso - saktan o sirain ang damdamin o emosyon ng isang taoIkahon - ikulong o pigilan ang pagkilos o kalayaan ng isang taoNayanig - naapektuhan o nabago ang katatagan o balangkas ng isang bagay o sistemaNasindak - nagulat o nagulat nang malaki, maaaring may kasamang takot o pangambaBinihisan ng lipunan - binago o tinuruan ng lipunan kung paano dapat magsuot, kumilos, o magpakitungo sa ibaNagpakulay - nagbigay-buhay, kulay, o kasiyahan sa isang bagay o sitwasyonNakatali - limitado o hadlangan ang kalayaan o aksyon ng isang tao batay sa mga patakaran o tradisyonMakatayo nang mag-isa - maging independiyente o matatag sa sariling desisyon at pagkilosKaluwaga - pribilehiyo o kaginhawahan na karaniwang reserbado o limitado sa isang partikular na sekswalidad

Answered by achiiipieal9 | 2024-10-22