Answer:Ang Alamat ng Unggoy Simula: - Noong unang panahon, may mag-inang nakatira sa isang nayon malapit sa kagubatan at sa isang malinaw na ilog. Sila ay sina Aling Tinang at ang kanyang labindalawang taong gulang na anak na si Ogoy. Suliranin: - Mahirap ang buhay ni Aling Tinang dahil maagang namatay ang kanyang asawa. Lalo pang naghirap ang buhay nila dahil sa katamaran, kasinungalingan, at katakawan ni Ogoy. Tunggalian: - Ang tunggalian ay nasa pagitan ni Aling Tinang at ng kanyang anak na si Ogoy. Si Aling Tinang ay nagsisikap na magtrabaho at alagaan ang anak, habang si Ogoy ay tamad, sinungaling, at matakaw. Kasukdulan: - Nang magkasakit si Aling Tinang dahil sa ulan, hindi tinulungan ni Ogoy ang kanyang ina. Sa halip ay kumain lang siya at akmang aalis na naman. Dahil sa galit at pagod, inihagis ni Aling Tinang ang sandok sa anak at sa isang kisapmata ay naging unggoy si Ogoy. Pababang Aksiyon: - Natakot si Ogoy sa kanyang bagong anyo at mabilis na tumakbo at nagpalipat-lipat sa mga baging ng puno habang tinatawag ng kanyang ina. Wakas: - Hindi na nakabalik sa dating anyo si Ogoy. Mula sa pangalang Ogoy, kalauna'y tinawag siyang "Unggoy" at sa kanya nagsimula ang mga lahi ng mga unggoy.