In Edukasyon sa Pagpapakatao /
Elementary School |
2024-10-22
Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon ng Pagmamahalan at Pundasyon ng Lipunan I. Pagproseso ng Pag-unawa - Basahin ang teksto tungkol sa konsepto ng pamilya at sagutan ang katanungan. Tradisyonal o Moderno: Pamilya Noon at Ngayon Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal kapuwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa rin sa kaniya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod. Sa makabagong panahon, ang tradisyonal na kahulugan ng pamilya ay pinupuna sa kadahilanang ito raw ay makitid at limitado. Ayon kay Benokraitis (2015), ang modernong pamilya, lalo sa mga mauunlad na pamayanan, ay umiiral sa iba't ibang kaanyuan, kasama na rito ang pamilyang may iisang magulang (single-parent family), pamilyang kinakapatid (foster family), magkaparehong kasarian (same-sex couple), pamilyang walang anak (childfree family), at marami pang anyo na lumilihis sa tradisyonal na nakasanayan. Karaniwang katangian ng mga nabanggit na anyo ng pamilya ay dedikasyon, pag-aalaga, at pagiging malapit sa isa't isa, kasama na rito ang pagmamahal - na siya na ngayong lalong nagbibigay ng kahulugan sa salitang pamilya. Mga tanong: 1. Ano ang pagkakaiba ng moderno at tradisyonal na kahulugan ng pamilya ayon sa tekstong binasa? 2. Ano ang katangian na magkapareho sa dalawang uri ng pamilya? Ano ang magkaiba? 3. Sa aling kahulugan ng pamilya mo mas naihahambing ang iyong pamilya? Ipaliwanag ang sagot. SAGUTANG PAPEL NG PAGKATUTO Asignatura Bilang ng Aralin Pamagat ng Aralin Paksa Pangalan: L. VALUES EDUCATION 3 Kuwarter 2 Petsa Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon ng Pagmamahalan at Pundasyon ng Lipunan Baitang at Pangkat: Bilang ng Gawain 2: Mukha ng Pandama: Ang Aking Pamilya (15 minuto) II. Layunin: Nailalarawan ang ugnayan ng mga kasapi ng pamilya. III. Mga Kailangang Materyales: lapis, pangkulay IV. Panuto: Iguhit ang mga mukha ng mga kasapi ng iyong pamilya. Ang tanging kraytirya sa pagguhit ay ang pagiging kumpleto ng mga bahagi nito (mata, tenga, ilong, bibig, balat/pisngi. buhok). Maaaring magdagdag ng mukha kung kinakailangan. баа 1. Anong mga tunog o salita ang gustong-gusto mong naririnig mula sa iyong pamilya? (tenga) 2. Anong mga amoy ang gustong-gusto mong nalalanghap sa iyong tahanan? (long) 3. Anong mga salita ang paborito mong sambitin sa loob ng inyong tahanan na nagpapahiwatig ng iyong pagmamahal sa iyong pamilya? (bibig) 4. Anong klase ng ugnayan ang nais mong makita sa iyong pamilya? (mata) 5. Paano mo pinaparamdam/Paano sa yo ipinaparamdam ang pagmamahal sa loob ng iyong pamilya? (balat) V. Sintesis/Pinagyamang Pagsasanay/Pinalawak Base sa iyong mga kasagutan, paano mo mailalarawan ang uri ng ugnayan mayroon ang bawat kasapi ng iyong pamilya?
Asked by garixgallogo