Hugis-mahirapDenotasyon: Ang pagkakaroon ng hugis na iregular, o hindi madaling gayahin.Pangungusap: Kapag nagsisimula pa lamang gumuhit, mas maiging pumili ng mga bagay na may simpleng hugis kaysa sa mga bagay sa kalikasan na hugis-mahirap.Konotasyon: Ang pagkakaroon ng pisikal na mga katangian na pangkaraniwan sa mga taong mahihirap. Ito ay isang negatibong konotasyon.Pangungusap: Hugis-mahirap si Juan, parang kulang siya sa sustansya.MisteryoDenotasyon: Isang bagay na lihim o hindi maipaliwanag.Pangungusap: Misteryo pa rin sa karamihan kung sino ang tunay na mga magulang ng sanggol na iniwan sa simbahan.Konotasyon: Mahirap maintindihan.Pangungusap: Ewån ko ba pero misteryo talaga sa akin ang Algebra!RosasDenotasyon: Isang bulaklak na mahalimuyak; ang kulay pink.Pangungusap: Napakalago na ng tanim kong mga rosas!Konotasyon: Simbolo ng pag-ibig, kagandahan, kababaihan, o pagasa.Mga Pangungusap:Iisa lang pala ang rosas sa mga anak mo.Kulay rosas ang kinabukasan natin.