HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-10-21

Panuto ipaliwanag ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng sumunod ng salita 1.hugis mhirap Donotasyon:_________Konotasyon:_________Pangungusap:_______ 2 Misteryo Donotasyon:_________ konotasyon:_________ Pangungusap:_________3 Kamalayan Donotasyon:________ konotasyon:________ pangungusap:______4. mangahasDonotasyon:_______konotasyon:_______Pangungusap:______5. ilaw Donotasyon:_________konotasyon:__________Pangungusap:________​

Asked by althearosanes26

Answer (1)

Hugis-mahirapAng denotatibong kahulugan nito ay tumutukoy sa anyo o hitsura ng isang bagay na mahirap maintindihan, gayahin, o ipaliwanag.Para sa hindi bihasang mangguguhit, ang hugis-mahirap ng isang baso na tinatamaan ng liwanag ay napakahirap gayahin.Ang konotatibong kahulugan nito ay tumutukoy sa buhay ng isang mahirap na tao, mga pagsubok, at hamon na kinakaharap sa araw-araw.Ginagawa ko ang lahat upang hindi ko mabigyan ng hugis-mahirap na kinabukasan ang aking pamilya.MisteryoAng denotatibong kahulugan nito ay isa na palaisipan, walang paliwanag, o walang kasagutan.Mababaliw na ang mga pulis dahil hindi nila malutas ang misteryong kaso ng pagkawala ng pamilyang Chua.Ang konotatibong kahulugan nito ay ang pagiging malihim o pagiging mahirap maunawaan ng isa.Misteryo talaga sa akin kung saan dinadala ni Ramon ang sweldo niya dahil walang siyang naipon sa sampung taon niyang pagtatrabaho sa ibang bansa.KamalayanAng denotatibong kahulugan nito ay paggana ng utak at pandamdam ng isa. Limang buwan din na comatose ang bata bago ito na-detect ng makina ang kamalayan nito.Ang konotatibong kahulugan nito ay ang pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa o pananaw sa buhay, o ang pagkakaroon ng mga personal na karanasan at introspeksyon.Nakakatakot ang kawalan ng kamalayan ng mga tao sa tunay na kalagayan ng kalikasan natin.MangahasAng denotatibong kahulugan nito ay ang paggawi ng may lakas ng loob upang magawa ang isang bagay na mahirap.Nagsimula ang rebolusyon nang mangahas ang mga Pilipino na bawiin ang kalayaan nila.Ito naman ay may negatibong konotasyon na nangangahulugan na kumikilos ang isa nang hindi pinagiisipan o nang may sobra-sobrang kumpiyansa sa sarili. Pwede rin ito tumukoy sa paggawa ng isang bagay na hindi dapat. Huwag ka nang mangahas na kainin yung tirang ulam dahil para iyon sa kuya mo. IlawAng denotatibong kahulugan nito ay isa na nagbibigay ng liwanag.Pakisindihan nga ang ilaw para makita natin kung ang daan.Ang konotatibong kahulugan nito ay gabay, tulong, paalala, o pag-asa.Isang ilaw sa kadiliman ang malaman na may naitago pala akong pera sakaling magkaroon ng di-inaasahang pangyayari.

Answered by EmeraldsInHerEyes | 2024-11-06