HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Senior High School | 2024-10-20

Mga Elemento ng Kabutihang Paniahat​

Asked by preciousrodelas51

Answer (1)

Ang Paggalang sa indibidwal na tao.
Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito
lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang
maibigay sa mga tao. Ang kapayapaan (peace).
Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip,
kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay
resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit
tinatangihan ang bahagaing dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o masa malaki ang naiaambag niya kaysa
sa nagagawa ng iba.Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
1. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos nang Malaya gabay
ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.Lipunan
Ang salitang Lipunan ay nagmula sa salitang ugat na lipon na nangangahulugang
pankat ng tao na mayroong iisang tunguhin o layunin. Ito ay kolektibo ngunit may
pagpapahalaga sa indibidwal ng mga kasapi.Komunidad
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang latin na communis na
nangangahulugang common o pagkakapareho. Ito ay binubuo ng mga indibidwal na
nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalaga.

Answered by whoislen | 2024-10-20