Ano ba ang kahulugan ng kalayaan sa mundong hyperconnected? ‘Yan ang mundong ginagalawan natin ngayon kung saan wala na halos boundary na naghihiwahiwalay sa mga bansa dahil nilusaw na ng teknolohiya. Umusbong na raw ang isang global consciousness na hindi nalilimita ng lahi, relihiyon, nasyonalidad, o teritoryo. Pero sa kabila nito, talamak ang kitid ng isip, kasinungalingan, at disimpormasyon sa mundong ito.Bagong mananakopTotoong malaya na tayo sa kuko ng dayuhang mananakop – pero tila kinakaharap naman natin ang bagong porma nito. Ayon sa Cambrigde Analytica whistleblower na si Chris Wylie, “Colonialism never went away.” Nakabaon pa rin ang kuko ng kolonyalismo sa ating mga ugat dahil sa paghahari ng American Silicon Valley companies tulad ng Facebook at YouTube. Sila ang nagmamay-ari ng ating data, nagbubuga ng bagong “opium of the masses” sa pagtutulak ng vanity culture, at direktang nakapag-iimpluwensiya ng ating kamalayan gamit ang algorithms ng kanilang mga plataporma.