HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2024-10-20

Nakabubuo ng paghahambing gamit ang mga pang-uri Gumawa ng paghahambing sa sumusunod. Gamitin ang mga pang- uri at kaantasang hinihingi sa loob ng panaklong. Halimbawa: Amerika-Hapón (maunlad: pahambing na magkatulad) -Magkasing-unlad ang Amerika at ang Hapón. 1. bahay ninyo at bahay ng kaibigan mo: (pahambing na pasahol) 2. tatay mo: sa lahat ng tatay sa mundo (pasukdol) 3. nanay mo: nanay sa isang komersiyal sa telebisyon (pahambing palamang) 4. ikaw: kapatid mo (magkatulad) 5. perlas (lantay) ​

Asked by Any01il

Answer (1)

Answer:1. Bahay ninyo at bahay ng kaibigan mo (pahambing na pasahol)Mas maliit ang bahay ninyo kaysa sa bahay ng kaibigan mo.2. Tatay mo sa lahat ng tatay sa mundo (pasukdol)Pinakamabait ang tatay mo sa lahat ng tatay sa mundo.3. Nanay mo at nanay sa isang komersiyal sa telebisyon (pahambing palamang)Mas maganda ang nanay mo kaysa sa nanay sa isang komersiyal sa telebisyon.4. Ikaw at kapatid mo (magkatulad)Magkasingtalino kayo ng kapatid mo.5. Perlas (lantay)Ang perlas ay isang napakaputi at mahalagang bato.

Answered by yahey4554 | 2024-10-20