HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Religion / Senior High School | 2024-10-19

10 bible verse tagalaog explanation

Asked by franciiisnavarro

Answer (1)

Juan 3:16 "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan..."Ibig sabihin, mahal na mahal tayo ng Diyos kaya binigay Niya ang Anak Niya para sa atin.Mateo 6:33 - "Hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos..."Unahin natin ang Diyos, at ibibigay Niya ang kailangan natin.Kawikaan 3:5 - "Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso..."Huwag kang magmalaki sa sarili mo, magtiwala ka sa Diyos.Filipos 4:13 - "Lahat ay kaya kong gawin sa pamamagitan Niya..."Kaya natin lahat kapag kasama natin ang Diyos.Isaias 41:10 - "Huwag kang matakot, sapagkat ako’y kasama mo..."Laging nandyan ang Diyos para tulungan ka.Santiago 1:5 - "Kung kulang kayo sa karunungan, humingi kayo sa Diyos..."Hingi ka ng tulong sa Diyos kapag nalilito ka.Roma 12:2 - "Huwag kayong makiayon sa mundong ito..."Mamuhay ka ayon sa gusto ng Diyos, hindi sa uso lang.Awit 23:1 - "Ang Panginoon ang aking pastol..."Ginagabayan tayo ng Diyos tulad ng pastol sa tupa.Efeso 4:32 - "Magpatawaran kayo tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos..."Matuto kang magpatawad dahil pinatawad ka rin ng Diyos.Galacia 5:22 - "Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan..."Kapag kasama mo ang Diyos, makikita ito sa mabuting ugali mo.

Answered by Vennshie | 2025-04-12