Ito ang mga maaari mong sabihin para sa panig na hindi pabor sa same sex marriage.Tradisyunal na tradisyon ng pagsasama- Maraming mga tao na ang sasang-ayon na ang union sa pagitan ng babae at lalaki ang nakasanayan sa mahabang panahon, kung babaguhin ang pananaw na to, pwedeng magkaron ng malalaking pagbabago sa historical and cultural na pang-unawa natin sa kasalan. May mga batas or laws din na nagawa na at naisatupad na sa ilalim ng man and woman marriage basis.Epekto sa mga bata- Karamihan sa atin, lalo na sa bansang Pilipinas ay naniniwala na mas mabuting mapapalaki ang bata kung lalaki at babae ang magulang nila. Pinaniniwalaang hindi kayang palakihin ng same sex couple ang bata sa nakasanayan na environment ng marami, at maaari ring hindi sila maging magandang role model sa anak nila.Consequences ng pagtanggap sa same sex marriage - Kung ipapatupad ang same sex marriage, ano nalang ang mga susunod pang maipapatupad? May posibilidad na maging open ang mga tao sa polygamy or yung pag-aasawa nang marami dahil sa "moderno" nating panahon.Impact sa society - Kapag naging normal ang same sex marriage, magkakaroon ng pagkalito sa ating komunidad dahil sa mga pagbabago sa sistema na madudulot ng same sex marriage. Pwedeng mawala yung mga traditional family values na nakasanayan na ng lahat, lalo sa bansa natin na maraming mannerisms sa mag-asawa.Religiously concerns- Hindi tayo gagamit ng bible verse pero kilala ang Pilipinas na isang religious country. Marami tayong pinaniniwalaang supernatural being at kasama sa paniniwalang ito ang nakasanayan na sa ilang siglo na pagkakaroon ng pagiisang dibdib sa pagitan lang ng babae at lalaki. Kapag nailegal ang same sex marriage, maaaring maramdaman ng mga religious citizens na navviolate ang paniniwala nila.( Ps. I'm not against same sex marriage :D )