Ang Patakarang Benevolent Assimilation ang ginamit ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino. Ipinahayag ito ni Pangulong William McKinley noong Disyembre 21, 1898, kung saan idineklara na ang layunin ng Estados Unidos ay gawing protektorado ang Pilipinas, hindi para sakupin ito kundi upang itaguyod ang kapayapaan, kaunlaran, at demokrasya.Pinakita rin ng mga Amerikano ang kanilang hangarin na "tumulong" sa pagpapaunlad ng mga institusyong pampamahalaan, edukasyon, at iba pang aspeto ng pamumuhay upang makuha ang loob ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang tumutol at nanindigan para sa kalayaan, tulad ng mga lumahok sa Digmaang Pilipino-Amerikano.