Ang Aso at Ang PusaSa isang maliit na siyudad, mayroong aso na pinalad ng mayayamang amo at ay isang pusa na palaboy lamang sa lansangan dahil walang gustong mag-alaga sa kaniya. Isang araw, kumakain si Aso. Nang makita siya ni Pusa, humingi si Pusa ng pagkain sa kanya ngunit ayaw siyang bigyan ni Aso. Nakiusap siya, "Aso, pwede bang humingi ng pagkain? Bayaran na lang kita sa susunod. Nagugutom na kasi talaga ako." Sagot naman ni Aso, "Ayoko, bigay ito ng amo ko. Mahal ang pagkain na ito at alam kong hindi mo kayang bayaran." Nalungkot ang pusa sa pagyayabang ni Aso.Kinabukasan, biglang pinalayas si Aso sa kaniyang tinitirhan kaya wala na ring nagpapakain sa kanya. Isa na rin siyang palaboy sa lansangan. Isang araw, habang naglalakad si Pusa na may dala-dalang pagkain, nakita niya si Aso na nanghihingi ng pagkain sa mga tao sa isang karinderya ngunit palagi lamang ito tinataboy ng mga tao. Nakita ni Aso si Pusa. Naalala ni Aso ang mga sinabi niya kay Pusa kaya umiwas siya. Nakaramdam siya ng hiya. Dahil sa magandang loob ay nilapitan siya ni Pusa at walang pagdadalawang isip na binigyan si Aso ng pagkain. Wika ni Aso, "Bakit mo ako binibigyan ng pagkain? Hindi ka ba galit sa akin?" Ngumiti si Pusa. "Hindi naman ako galit sayo. Alam ko ang pakiramdam ng magutom at walang mahingian ng pagkain kaya kita binigyan ng pagkain. Hindi ka pa man humihingi ng tawad sa akin, pinatawad na kita," sabi ni Pusa. Nakangiting nagpasalamat si Aso, "Maraming salamat, Pusa! Simula ngayon ay hinding-hindi na ako magdadamot at matututo na rin akong tumulong sa iba. Salamat sa iyo." Simula noon, naging magkaibigan na si Aso at si Pusa.Tauhan sa Kwento:AsoPusaMoral ng kwento:Huwag maging madamot sa kung ano man ang meron ka dahil walang permanente sa mundo.Maging matulungin at mapagbigay sapagkat hindi nating alam ang mangyayari kinabukasan.Matutong magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin kahit hindi pa man sila humingi ng tawad sa iyo.