Ang hilaw na materyales ay mga bagay na ginagamit bilang pangunahing sangkap para makagawa ng iba pang produkto. Hindi pa sila naproseso o binago kaya tinatawag na “hilaw.”Halimbawa: 1. Kahoy – ginagamit para gumawa ng mga kasangkapan o bahay. 2. Bakal – ginagamit sa paggawa ng mga sasakyan o gusali. 3. Cotton (Bulak) – ginagamit sa paggawa ng damit. 4. Langis – ginagamit para maging gasolina o plastik. 5. Ginto – ginagamit sa alahas
Answer:★ Mga Uri ng Hilaw na Materyales ★•Mga Materyales na Mula sa Halaman•bulak:- Ginagamit sa mga tela at damit.•kahoy: - Ginagamit para sa muwebles, konstruksyon, at mga produktong papel.•mais: - Karaniwang pinoproseso bilang mga produktong pagkain at biofuels.•asukal:- Kinuha mula sa tubo para sa produksyon ng pagkain.•Mga Materyales na Mula sa Hayop•Balat:- Kinuha mula sa balat ng hayop para sa fashion (leather bags) at upholstery (balot ng sopa at upuan).•Lana:- Ginagamit sa mga tela, lalo na para sa damit.•Mga Produktong Gatas: •Gatas- Pinoproseso sa keso, yogurt, at iba pang produkto.•Mga Materyales na Minamina•Uling: Ginagamit sa pagluluto at sa paggagawa ng mga bakal.•Mga Fossil Fuels•Krudo: - Pinapino upang maging gasolina, disel, at iba pang petrochemicals.•Natural na gas:- Ginagamit sa produksyon ng enerhiya, paggawa ng mga kemikal, at produksyon ng kuryente.Mga Kemikal•Plastikong resin:- Hilaw na materyales na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produktong plastik.•Abono:- Pataba na mahalaga sa produksyon ng agrikultura.Ibang Pang Hilaw na Materyales •Goma: - Ginagamit sa paggawa ng gulong at iba pang produktong goma.•Tanso at Aluminimyo:- Ginagamit sa paggawa ng mga elektroniko at sa konstruksyon.