GAWAIN 8: Kaugnay na Balita
Manood ng balita. Pumili ng isang bahagi ng balita na may kaugnayan sa mga isyung
panlipunan na binanggit sa Inagurasyong Talumpati ni Pangulong Rousseff. Suriin
ang sumusunod:
1. paksa
2. nilalaman ng balita
3. kaugnayan sa tinalakay na talumpati
0%
(BE)
Nagagalak ako at mahusay mong naisagawa ang mga gawain sa panitikan.
Inaasahan ko na malinaw na sa iyo kung masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang
panlipunan ng bansang pinagmulan nito.
GAWAIN 9: Lathalain... Suriiin Mo
Ituloy mo pa ang pagbabasa at matutunghayan mo ang lathalain na isinulat
ni G. Manny Villar. Pagkatapos mong mabasa ang teksto ay pag-aaralan mo kung
paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat
ng talumpati.
Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino
ni Manny Villar
Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na pagandahin
ang larawan ng bansa sa kabila ng matitinding suliranin, pero kung minsan ay tila
nakakainsulto dahil sa kalabisan.
Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa
lawak ng kahirapan.
Isa sa mga binago ay ang pinakamababang komposisyon ng pagkain ng mga
nasa Metro Manila upang ang isang pamilya ay hindi mabilang na dukha.
Sa dating panukat, ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, sinangag,
kape para sa matatanda at gatas para sa bata.
Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay pritong itlog, kape na may
gatas at kanin. Wala na ang gatas para sa mga bata. Marami ring nawala sa bagong
panukat para sa tanghalian, meryenda at hapunan.
135
Asked by geraldineramos799
Answer (1)
ano ang naisip na paraan ni bago amama upang makatulong sa kanyang magulang