Answer:# 1. Ipaliwanag kung bakit ang kahirapan at kawalan ng edukasyon ang mga pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho.Para sa akin, ang kahirapan ang naglilimita sa pagkakataon ng mga tao na sila'y magkaroon ng disenteng edukasyon dahil dito hindi na nila kayang matuto sa mga kasanayan na hinahanap ng mga kompanya. Kapag hindi nakapag-aral ang isang tao nagreresulta ito sa kakulangan ng kaalaman at kasanayan kaya mahihirapan talaga silang makahanap ng trabaho.#2. Ipaliwanag bakit mahalaga para sa isang kompanya ang pagkakaroon ng mga manggagawang may disiplina, kakayahan at malasakit sa trabaho.Para sa akin, ang mga manggagawang may disiplina, kakayahan, at malasakit sa trabaho ay mas produktibo at talagang maaasahan sa bagay bagay. Sila ay nakakatulong sa pagpaunlad ng kompanya at masigasig sa kanilang mga tungkulin.#3. Ipaliwanag ang nais sabihin ng sikat na kasabihan: "Ang edukasyon ay isang kayamanang pamana ng mga magulang na di kailanman mananakaw.Para sa akin, ang kasabihan ay nagpapahiwatig na ang edukasyon ay isang mahalagang pamana na ibibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil ito ay isang kayamanan na hindi kailanman mananakaw. Ang kaalaman at ang kasanayan na ating natutunan ay mananatili sa atin habang buhay.#4. Ano ang iyong maimumungkahing proyekto sa inyong pamayanan o paaralan upang matugunan ang suliranin sa kapaligiran? Paano mo ito pangungunahan?Para sa akin, maganda kung magtatanim tayo ng mga puno sa paaralan o sa komunidad at manghihikayat sa lahat ng tao na mag-recycle at bawasan ang basura. Ako ay handang tumulong sa pagpaplano, paggawa, at pag-engganyo sa iba na sumali sa aking naisip na proyekto.FOLLOW M3 FOR MORE ANSWERS!