Answer:Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan noong panahon ng mga espanyol. Naging usapin ang wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino. Iniutos ng hari na gamitin ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod. Nagmungkahi naman si gobernador tello na turuan ang mga indio ng wikang espanyol. Sina Carlos I at Felipe II naman ay naniniwalang kaylangang maging bilingguwal ng mga Pilipino, Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang doctrina Christiana gamit ang wikang espanyol. Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang ginagamit nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang espanyol ang gamit nila.