I.ISULAT ANG A KUNG ITO AY GAWAIN BAGO ANG BAGYO, B NAMAN KUNG ITO AYGAWAIN HABANG MAY BAGYO,AT C KUNG ITO AY GAWAIN PAGKATAPOS NG BAGYO.1. Iwasan ang mga nasirang gusali o ari-arian.wwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww2. Makipag-ugnayan sa mga tamang opisyal ng paaralan tungkol sa posibleng agaranghakbang sa paglilikas, lalo na kung ang paaralan ay nasa mababang lugar.3. Maghanda ng survival kit. Dapat itong maglaman ng battery-operated na transistor radio,flashlight, kagamitang pang-emergency sa pagluluto, kandila, posporo, at first aid kit.4. Subaybayan sa pamamagitan ng radyo o iba pang mapagkakatiwalaang pinagmumulanang pinakahuling opisyal na ulat ng PAGASA tungkol sa bagyo.wwwww5. Agarang tulungan ang mga biktima. Sa mga maliliit na sugat at galos, magbigay ngpaunang lunas. Humingi ng kinakailangang medikal na tulong sa isang disaster station oospital.wwwwww6. Alamin ang tungkol sa bagyo at iba pang mga kalamidad, mga palatandaan at babala,epekto at panganib, at kung saan lilikas kung kinakailangan.7. Lumipat sa mas mataas na lugar o malayo sa baybayin.8. Iwasan ang mga binahang lugar at mga nasirang poste ng kuryente.www.9. Mag-imbak ng pagkain at malinis na tubig sa mga lugar na hindi aabutin ng baha.10. Iwasan ang pagkain o tubig na kontaminado ng baha.11. Alamin ang tungkol sa dami ng ulan at mga babala ng public storm warning signal.12. Siguraduhin na mananatiling kalmado ang mga estudyante sa pamamagitan ngpagbibigay ng pinakabagong balita tungkol sa sitwasyon.13. Ayusin ang sirang bahagi ng bubong o ng bahay.14. Tipunin ang mga estudyante sa pinakamatatag, matibay, at ligtas na gusali ng paaralankung hindi na ligtas para sa kanila na umuwi.15. Sabihan ang mga estudyante na manatili sa loob ng bahay at malayo sa mga bintana.