HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2024-09-10

Panuto: Isulat sa yong sagutang papel ang mga ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw o ekspresiyong nagpapahiwatig ng
pagbabago o pag-iba ng paksa o pananaw.
A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago kaya hindi kataka-takang ang mga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba't ibang uri ng damong-dagat. (2.) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, ipinakita niya ang pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para makatulong sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3.) Ayon sa kaniya, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Pilipinas bagaman ilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal.
B. (1.) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliraning kinahaharap ng Morocco ay ang isyung pangkalikasan. (2.) Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito. Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos. (3.) Ayon sa isang kritiko, ang isyung pangkalikasan ay hindi binibigyan nang seryosong tuon ng pamahalaan. Sa tingin niya, makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o patubig sa kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ng kontaminadong tubig.
C. (1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa pagpasok ng salaping dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng isang bansa ang dolyar upang ang napagbilhan ay ibibili naman ng kalakal na hindi lokal na naipoprodyus. (2.) Ang pagbili ng kalakal sa isang bansa mula sa ibang bansa gaya ng langs at mga kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o importasyon. (3.) Sa isang banda, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang maunlad na bansa.
D. (1.) Ayon sa isang magulang na Pranses, patuloy siyang magpoprotesta laban sa panukalang batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan na may parehong kasarian. Sa ganang kaniya, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan "ang kahalagahan ng pamilya." (2.) Kaugnay nito, isa sa pinakamalaking protesta laban sa "same-sex marriage" ay naganap nang magsama-sama ang mamamayan mula sa iba't ibang probinsiya ng France. (3.) Ang panukalang batas na ito ay nagbunsod ng samot-saring karahasan sa bansang France. Naghatid din ito ng ingay sa iba pang bansa

Asked by ilingbur

Answer (1)

hopefully it helps you

Answered by bungobubuleberal | 2024-09-11