HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2024-09-09

ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA Isang malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo sa bayan ng Israel, maringal at malaki ang kasalan. Mahaba ang panahon ng paghahanda. Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal na sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig. Sunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito gaganapin, ano-ano ang mga paghahandang gagawin, at kung magkano ang dote o bigay-kayang ipagkakaloob sa dalaga. Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang maihanda ang kanilangmagiging tahanan. Halos isang taon ang pagkakalayong ito na sumubok din sa katatagan ng pag-ibig ng binata at dalaga sa isa't isa. Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi. Sa wakas, sumapit na ang gabing pinanabikan ng lahat. Unang nagpunta ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang kasintahan upang siya'y sunduin at saka silá tutuloy sa tahanan ng binata upang doon idaos ang maringal na kasalan. Salabas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may dala dalang ilawan ang itinalagang maghintay sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay matatalino. Inasahan na nilang maaaring maantala ang pagdating ng ikakasal kaya't nagdala silá ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari. Ang lima naman ay mga hangal sapagkat nagdala nga sila ng ilawan ay hindi naman silá nagbáon ng karagdagang langis. Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit lumalalim na ang gabi'y wala pa ang ikakasal kaya't sila'y nakatulog sa kahihintay. Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang tagapagbalita. "Paparating na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo at maghanda upang salubungin siya!" Masayang nagsigawan ang mga tao. Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kani-kanilang ilawan at humilera sa magkabilang gilid ng daan upang maging handa sa paparating na ikakasal. Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap na. Dahil sa matagal na paghihintay ay naubos ang langis sa kanilang ilawan. "Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan," ang pakiusap nila sa matatalinong dalaga.Pasensiya na. Ang dala naming langis ay sapat lamang sa aming ilawan. Hindi ito magkakasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo," tugon naman ng matatalino Kaya't dali-daling lumakad ang limang hangal na dalaga upang bumili ng langis. Habang bumibili sila ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa kasalan at saka isinara ang pinto. Kaugalian kasi noon na tanging ang mga taong nása labas pagdating ng ikakasal ang papapasukin sa piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman imbitado at hindi kilala ng ikakasal. Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal na dalaga. "Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!" sigaw nila. Hindi na sila pinapasok at sa halip ay tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon nang ganito: "Hindi ko kayo nakikilala." Walang nagawa ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan ang hindi nila paghahanda para sa pangyayaring ito.Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan nating maghanda at magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras man ng Kanyang muling pagparito. ano ang mismong lugar?​

Asked by verdozcelestinejade

Answer (1)

Magbigay ng isang halimbawa ng tula. At isinulat ang pamagat at ang nakapaloob sa isang tula?

Answered by maniegoresty35 | 2024-09-09