HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-09-09

Ang Prinsipeni Nicolo MacchiaveliSalin ni Moreal Nagarit Camba(Sanaysay mula sa Italya)kapuri-puri para sa isang Prinsipe na panatilihin ang kanyang salita at mamuhay ng may integridad at hindi manlilinlang.Gayumpaman, batay sa aling karanasan sa kasaysayan, ang mga Prisipe ay nakagawa ng mga dakila ay yaong hindi gaanong isinaalang-alang ang paglangan sa pananampalataya. Kung gayon, dapat mong malaman na may dalawang paraan ng pakikipaglunggali ang isa saalinsunod sa mga batas, ang isa ay sa pamamagitan ng lakas.Simula noon, nararapat na malaman ng Prinsipe kung paano gamitin ang likas na katangian ng hayop, kailangan niyang piliin angmaging soro at leon, sapagkat hindi kayang ipagtanggol ng soro ang sarili sa mga lobo. Ang matalinong pinuno, kung gayon, ay hindi dapat atkailangan na magkaroon ng isang salita dahil maaari siyang baliktarin sa pagtalima rito at kung ang dahilanng pagbibigay niya ng pangako ay nawala na.Subalit, kailangan niyang itago nang mabuti ang tunay niyang kulay at maging mahusay sa pagkukunwari at panlilinlang. Walangmuwang ang mga tao at abala sa kanilang mga pangunahing mga pangangailangan kaya laging may maloloko ang manloloko. Samakatuwidhindi kailangan taglayin ni isang Prinsipe ang mga nabanggit na katangian, bagkus ay kailangan niyangpapaniwalain ang iba na taglay niya ang mga ito.Dagdag pa rito, maglalakas loob akong sabihin na "Ang pagkakaroon nito at pag-aasal dito ay nakasasama, subalit angmagpanggap na inaasal ito ay nakakabuli; halimbawa, ang magkunwaring maawain, makatao, mapagkakatiwalaan, maka-Diyos. Dapatmaintindihan ito hindi makikita ng Prinsipe lalo na yaong mga baguhan, ang mga mabubuting katangian ng mga tao, sapagkat upang mapanatiliang estado, kinakailangan niyan kumilos laban sa kanyang pananampalataya, sa kabulihan, sa sang-katauhan, sa relihiyon.Samakatuwid, marapat na maging maingat ang isang Prinsipe sa mga lumalabas sa kanyang labi na hindi ayon sa limang katangianna nabanggit. Walang mas mahalaga kaysa sa mapaniwala na taglay mo ang huling katangian. nanghuhusga ang tao batay sa kanilang matakaysa sa kanilang mga kamay: lahat ay nakakakila, subalit iilan lamang ang nakakaramdamSapagkat ang mga karaniwang tao ay laging napapaniwala sa mga hitsura at sa mga bunga ng mga pangyayari. At ang mundo aypuno ng mga taong may magaspang na ugali, ang ilan sa kanila ay walang lugar, samantalang ang marami ay may maluluguran. IsangPrinsipe sa kasalukuyang panahon, mabuting hindi na dapat pangalanan, ay nangangaral ng kapayapaan at pananampalataya, na kapwa niyahindi tinatalima, kung kapwa niya itong pinaniniwalaan, matagal nang nakuha sa kanya ang kanyang reputasyon o ang kanyang estado.I.Panuto: Sagulin ang mga tanong ayon sa binasang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.1. Ayon kay Machiaveli, ano-ano ang katangian ng mahusay na pinuno?2. Sang-ayon ka ba sa mga katangian na binanggit niya? Bakit?3. Bakit kailangang maging soro al leon ng isang Prinsipe?4. Balay sa iyong pagkaunawa, anong ideya ang binibigyang fuon ng may-akda tungkol sa isang pinuno?5. Ano ang reaksyon mo dilo?​

Asked by platad618

Answer (1)

Answer:Mga Sagot:1. Ayon kay Machiavelli, ano-ano ang katangian ng mahusay na pinuno?Ang mahusay na pinuno ay dapat marunong magpanatili ng salita, ngunit kailangang maging mapanlinlang kung kinakailangan. Dapat din siyang maging matalino tulad ng soro at malakas tulad ng leon. Dapat niyang ipakita na mayroon siyang mabubuting katangian, kahit na hindi niya talaga ito taglay, upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan.2. Sang-ayon ka ba sa mga katangiang binanggit niya? Bakit?Depende ito sa iyong pananaw. Maaaring hindi sang-ayon ang iba dahil naniniwala silang ang isang pinuno ay dapat maging tapat at may integridad sa lahat ng pagkakataon. Ngunit maaari ding sang-ayon ang iba, lalo na sa ideyang kailangang mag-adapt ng pinuno sa mga sitwasyon upang maprotektahan ang kanyang nasasakupan at mapanatili ang kapangyarihan.3. Bakit kailangang maging soro at leon ng isang Prinsipe?Kailangan maging soro ang Prinsipe upang maiwasan ang mga patibong at panlilinlang ng iba, at maging leon upang makipaglaban at ipagtanggol ang sarili laban sa mga kalaban. Pinagsasama nito ang talino at lakas para magtagumpay.4. Batay sa iyong pagkaunawa, anong ideya ang binibigyang tuon ng may-akda tungkol sa isang pinuno?Binibigyang-diin ng may-akda na ang isang pinuno ay hindi dapat laging magpakita ng tunay na intensyon. Ang mahalaga ay ang pananaw ng iba sa kanya. Dapat gamitin ng pinuno ang anumang paraan—mabuti man o masama—upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan at protektahan ang kanyang estado.5. Ano ang reaksyon mo dito?Ang aking reaksyon ay maaaring maging positibo o negatibo. Kung titingnan mula sa isang praktikal na pananaw, maaaring totoo na ang mga pinuno ay kailangang gumawa ng hindi inaasahang hakbang upang manatili sa kapangyarihan. Ngunit mula sa isang etikal na pananaw, maaaring hindi tama ang manlinlang at maging walang prinsipyo para lamang sa kapangyarihan.

Answered by astringent10022 | 2024-09-09