Answer:Narito ang mga uri ng Karunungang Bayan para sa bawat isa:1. Ang batang matapat, Pinagkakatiwalaan ng lahat.Kasabihan2. Titingkad ang iyong kagandahan, Kung maganda rin ang iyong kalooban.Kasabihan3. Ang Kalinisan ay tanda ng Kasipagan.Kasabihan4. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako.Bugtong5. Ang taong walang tiyaga, Ay walang yamang mapapala.Salawikain6. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.Bugtong7. Bukas ang palad.Sawikain8. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.Bugtong9. Itaga sa bato.Sawikain10. Butas ang bulsa.Sawikain11. Balat sibuyas.Sawikain12. Taingang kawali.Sawikain13. Banag ang buntot.Sawikain14. Ang taong nagigipit, sa Patalim kumakapit.Salawikain15. Pag di ukol, ay di bubukol.Salawikain16. Ano man ang gagawin, makapitong isipin.Salawikain17. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.Salawikain18. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.Salawikain19. Mabuti pa ang kubo, na nakatira ay tao, kaysa mansiyon na nakatira ay kuwago.Kasabihan20. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-anabol ng hininga.Tugmaang de gulong21. God knows Hudas not pay.Tulang Panudyo22. Daig ng maagap ang taong masipag.Salawikain23. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan, ay di makabababa sa paroroonan.Tugmaang de gulong24. Miss na sexy, kung gusto mo'y libre, sa drayber ka tumabi.Tugmaang de gulong