Answer:1. Naranasan mo na bang makapunta sa Kagubatan?2. Nakakita ka na ba ng mga Kahoy na Ikinarga sa malalaking trak o hauler?3. Ano ito hulaan mo?4. Ano ito hulaan mo?5. ITO ANG MGA SULIRANIN NA NAGAGANAP SA PANG AABUSO NATIN SA KAGUBATAN6. Talakayin natin ngayon ang mga sumusunod.7. Isang mahalagang yaman ng bansa ang kagubatan. Dito makikita ang iba't ibang uri ng matitibay na punongkahoy. Sa pagitan ng mga punongkahoy ay tumutubo ang iba't ibang uri ng halaman gaya ng pako, orkidyas at iba pa. Sa kagubatan din naninirahan ang mga ligaw na hayop tulad ng tamaraw, baboy damo, usa at mga ibon. Ang ating kagubatan ay mayaman din sa kawayan, pawid, ratan at yantok. Ito ay mga katutubong kagamitan sa pagtayo ng bahay kubo. Sa ngayon ginagamit ang rattan at yantok sa paggawa ng muwebles at palamuti. Ang mga kasangkapang mula sa hilaw na sangkap ay tinatangkilik ng marami nating kababayan at ganoon din sa ating bansa.8. Maraming uri ng mga puno ang matatagpuan sa ating kagubatan tulad ng apitong, bakawan, lawan, at yakal. Maidadagdag ang mga sumusunod: Narra – matitibay na kahoy para gawing muwebles. Dipterocarp hardwood – Philippine Mahogany pinagkukunan ng herbal na gamot. Bamboo – isang madamong kahoy. Ginagawang basket, bahay, tulay at muwebles. Mangroves - bakod sa mga mababang bahagi ng katubigan, ginagawang tabla. Nipa Palms – paggawa ng bahay sa lalawigan.9. MGA KAHALAGAHAN NG YAMANG GUBAT ¤ Maraming produkto ang nanggagaling sa mga puno sa ating kagubatan tulad ng goma, papel, troso, tissue paper, tabla, kahoy para gawing muwebles, mga herbal na gamot, produktong handicraft, at marami pang iba. Nagsisilbing tirahan ng mga maiilap at mababangis na hayop, mga endagered species tulad ng Philippine Eagle o Monkey Eating Eagle, papan, lagaran, kagit (blue-naped parrot), sabukot. ¤ Nagbibigay proteksyon sa mga watershed na pinanggagalingan ng malinis na tubig na kailangan ng tao. ¤ Nagbibigay hanapbuhay sa mga tao sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga produkto galing dito.10. ¤ Nagbibigay din ito ng balanseng ekolohikal sa kapaligiran kaya kinakailangang pagtuunan ito ng pansin at bigyan ng kasagutan ang mga suliraning kinakaharap nito.