HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2024-09-08

1. Kung ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan ano ito at bakit?2. Ipaliwanag: "Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay may kalakip na responsibilidad".​

Asked by jannaag889gmailcom

Answer (2)

#carryonlearning✓

Answered by jheshaleyviloria | 2024-09-08

1. Kung ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan ano ito at bakit? • Ito ay ang magkaroon ng kakayahang makabalik sa dating oras/panahon. Hindi lang dahil may mga mahal sa buhay akong gusto muling makasama, dahil na rin sa kakayahan nitong maitama ko ang mga maling nagawa ko. Marami tayong mga bagay na pinagsisisihan natin sa mga mali nating desisyon o kaya naman mga bagay na hindi natin nagawa. Sa kapangyarihang ito ay naniniwala ako na ito ang magiging pagkakataon upang ma-itama natin lahat ng 'yon at hindi na maulit pa ang mga pagkakamali sa hinaharap.2. Ipaliwanag: "Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay may kalakip na responsibilidad". • Ang ibig sabihin nito ay kapag mayroon kang kapangyarihan, tulad ng kakayahang bumalik sa nakaraan, hindi mo dapat gamitin ito nang basta-basta. Ang ganitong uri ng kapangyarihan ay may malaking epekto sa oras at mga tao sa paligid mo. Dapat mong gamitin ito nang maingat at may pananabik sa responsibilidad, dahil ang bawat desisyon na gagawin mo ay maaaring magdulot ng malalaking pagbabago sa nakaraan at sa hinaharap. Ang responsibilidad na ito ay nangangailangan ng matalinong pag-iisip at malasakit sa mga posibleng epekto ng iyong mga aksyon.

Answered by nezukocutipie | 2024-09-08