Ang Pilipinas ay may isa sa pinakamahabang dalampasigan sa buong mundo, na tinatayang umaabot ng 36,289 kilometro. Ayon sa datos, ang Pilipinas ay pumapangalawa sa bansa na may pinakamahabang baybayin sa Asya at panglima sa buong mundo, kasunod ng mga bansang Canada, Norway, Indonesia, at Greenland.