Answer:Ang Tsina ay bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Mula hilagang-silangan hanggang timog-kanluran, hinahangganan nito ang Hilagang Korea, Rusya, Mongolya, Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, Apganistan, Pakistan, Indiya, Nepal, Butan, Myanmar, Laos, at Vietnam. Sa populasyong hihigit 1.4 na bilyon at lawak na aabot sa 9.6 milyong km2, ito ang ikalawang pinakamatao at ikatlong pinakamalaking bansa sa mundo ayon sa panlupaing sukat. Ang pambansang kabisera nito ay Pekin, habang ang pinakapopuladong lungsod at pangunahing sentrong pampananalapi nito'y Shanghai.