HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Junior High School | 2024-09-07

Tamang Pagtingin sa Pera Isinulat ni: Geoffrey S. Ogale

Sabi nila ang pera raw ang nagpapaikot sa mundo, Sa nangyari sa COVID-19 tila ito ay totoo, Dahil kahit nariyan pa rin ang virus ay balik na ang tao sa trabaho, Upang may maipantustos sa pangangailangan ng bawat tao,

Ngunit kung iisipin ang salapi ay hindi masama, Daan ito upang matupad ang ating mga nasa, Ang pagkakaroon nito ay daan upang umangat ang buhay ng masa. At maipanggastos sa pantulong sa pangangailangan ng balana,

Ang pera at iba pang materyal na bagay ay dapat maibahagi nang patas, Dahil biyaya na handog ng yaman ng bansa sa lahat ay maiparanas, Sapagkat kung hindi ang pinagkaitan maaaring lumabag sa batas, Upang maipantustos sa pamilya ay gagawa ng masama nang walang habas.

Kaya't kailangan ang estado na maniguro lahat ay may hanapbuhay, Oportunidad sa bawat isa ay sila uugit nang ekonomiya ay gumanda ang lagay, Ang pagpapababa ng bahagdan ng kahirapan ay pagpapakita ng husay, Ng anumang pamahalaan ito ay malasakit na tunay,

Ang mahihirap ang estado ng buhay ay kailangang tulungan, Mga negosyo ay dapat palakasin dahil isa ito sa aasahan, Pag-angat ng bawat isa ay dapat siguruhin ng pamahalaan, Dahil hindi iilan lamang ang dapat makaranas ng kaunlaran.

Sagutin:
1. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?

2. Maaari mo bang ibahagi sa klase ang kahalagahan ng pera sa iyo bilang mag-aaral?

3. Bakit kailangang maranasan ng lahat ang pag-angat ng buhay?

4. Sa paanong paraan makatutulong ang pamahalaan o estado sa pagpapabuti ng buhay ng bawat Pilipino?

Asked by ashleyasuncion42

Answer (1)

Answer:Sagutin:1. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?Ang damdaming nangibabaw sa akin habang binabasa ang tula ay paghanga at pag-aalala. Paghanga dahil ipinapakita nito ang halaga ng pera sa pagpapabuti ng buhay ng tao at pag-aalala dahil sa mga taong hindi pantay ang pagkakataon sa yaman na nararanasan sa bansa. Ang tula ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng isang patas na sistema upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataon sa magandang buhay.2. Maaari mo bang ibahagi sa klase ang kahalagahan ng pera sa iyo bilang mag-aaral?Bilang mag-aaral, ang pera ay mahalaga sa akin dahil ito ang ginagamit ko para sa aking mga pangangailangan tulad ng mga libro, pamasahe, pagkain, at iba pang gastusin sa eskwela. Ang pagkakaroon ng sapat na pera ay makakatulong upang magawa ko ang mga bagay na kinakailangan upang magtagumpay sa aking pag-aaral at mangarap para sa aking kinabukasan.3. Bakit kailangang maranasan ng lahat ang pag-angat ng buhay?Kailangang maranasan ng lahat ang pag-angat ng buhay dahil ito ay isang pundamental na karapatan ng bawat tao. Kapag bawat isa ay pantay-pantay na magkaroon ng pagkakataon sa magandang buhay, magkakaroon ng mas masiglang komunidad at masaganang ekonomiya. Ito ay magreresulta sa mas mababang bahagdan ng kriminalidad at mas magkakaisang lipunan. Ang pag-unlad ng bawat isa ay nagpapakita ren na walang naiiwan sa pag-asenso ng bansa.4. Sa paanong paraan makatutulong ang pamahalaan o estado sa pagpapabuti ng buhay ng bawat Pilipino?Sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho, pagpapaunlad ng negosyo, at pagsisiguro ng patas na distribusyon ng yaman.

Answered by EllaMarieB05 | 2024-09-07