Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang mga ekspresiyong ginamit sapagpapahayag ng konsepto ng pananaw o ekspresiyong nagpapahiwatig ngpagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw.A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago kaya hindi kataka-takang angmga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga kayamanang-dagat namaipagkakaloob ng iba't ibang uri ng damong-dagat. (2.) Sa isang pag-aaral naisinagawa ni Dr. Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa kolehiyong Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, ipinakita niya angpangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para makatulong sasumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3.) Ayon sa kaniya, maramingdamong-dagat na makikita sa dagat ng Pilipinas bagaman iilan pa lamang samga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal.B. (1.) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliraning kinahaharap ng Morocco ayang isyung pangkalikasan. (2.) Ang polusyon sa bansa ay isang salik nanagpapahirap dito. Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya opadaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nangmaayos. (3.) Ayon sa isang kritiko, ang isyung pangkalikasan ay hindibinibigyan nang seryosong tuon ng pamahalaan. Sa tingin niya, makatutulongang pagdaragdag ng irigasyon o patubig sa kabukiran upang maiwasan angpagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ngkontaminadong tubig.C. (1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa pagpasokng salaping dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng isang bansa angdolyar upang ang napagbilhan ay ibibili naman ng kalakal na hindi lokal nanaipoprodyus. (2.) Ang pagbili ng kalakal sa isang bansa mula sa ibang bansagaya ng langis at mga kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat oimportasyon. (3.) Sa isang banda, masasabing mahalaga ang ganitonghakbangin para sa isang maunlad na bansa.D. (1.) Ayon sa isang magulang na Pranses, patuloy siyang magpoprotesta labansa panukalang batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taongnagmamahalan na may parehong kasarian. Sa ganang kaniya, mahalagangipaglaban at ipabatid sa mamamayan "ang kahalagahan ng pamilya." (2.)Kaugnay nito, isa sa pinakamalaking protesta laban sa "same-sex marriage" aynaganap nang magsama-sama ang mamamayan mula sa iba't ibang probinsiyang France. (3.) Ang panukalang batas na ito ay nagbunsod ng samot-saringkarahasan sa bansang France. Naghatid din ito ng ingay sa iba pang bansa
Asked by nicomamaril4
Answer (1)
Answer:ang maniwala sa tabi-sabi walang bait sa sarili