Answer:Narito ang mga napunan kong pahayag: * Ayon sa kawani ng DepEd ay hinihikayat nila ang buong bansa na muling isabuhay ang diwa ng bayanihan. * Sa aking paniniwala, ang tanging yaman na kahit kalian ay hindi makukuha at lalong-lalo na hindi mananakaw ng kahit sino man sa mundo ay ang edukasyon. * Palagay ko, ang tao mismo ang makapgpapasya Kung papaano maiaangat ang buhay pagdating ng panahon. * Sa paniniwala ko, bilang isang bansa tayo ay magtatagumpay at gagaling ng nagkakaisa. * Ayon sa Pangulo bawal lumabas ang mga bata at matanda upang hindi mahawaan ng lumalaganap lumalaganap na sakit. * Samantala, ayon sa Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata. * Sa ganang akin, ang edukasyon ay kailangan ng ating Kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. * Sa paniniwala ko, ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. * Ayon sa aking palagay, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada. * Ayon sa Counsel on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.